Showing posts with label :(. Show all posts
Showing posts with label :(. Show all posts

Tuesday, July 31

Ganun nalang yon?

Huling araw ng buwan. Bukasm magbibilang na ako. ilang linggo nalang sasakyan na naman ako sa eroplano. mahabang biyahe pauwi. Dapat noon ko pa ginawa 'to e. yun lang hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang magligpit ng mga damit ko. Nung mga panahong nasa Pilipinas pa ako at hindi pa kami magkasama, pinangako ko na yung araw na magkikita kami ulit, yun na yun. wala ng iwanan. Pero eto ako ngayon, sinusubukan kong pigilan ang oras.

Hindi ko mapigilan. kapag tinitignan ko siya, nasasaktan ako. Sa mga oras na ito, hindi ko din mapigilan mga luha ko. para akong tanga. Kung iisipin ko, ilang gabi nalang ba yung natitira bago ako umalis? Babalik na naman ako sa kwarto ko ng mag-isa, sa iPad ko na naman siya makikita. Hindi ko na naman siya mahahawakan, maamoy, kailangan ko pang maghintay ng ilang oras bago siya makita dahil sa magkaibang oras na naman kami. Magkalayo na naman. Nasasaktan ako sa tuwing titignan ko siya, Kumikirot yung puso sa tuwing naiisip ko yung araw na yun. Ang buong akala ko kase eto na e. Na hindi na kami magkakahiwalay, na wala ng iiyak, wala ng masasaktan, wala ng magpapaalam.

Sino ba ako para pigilan ang oras? kung pwede ko lang ibalik lahat sa gabing dumating ako dito. Malamig nung gabing yun. pagod na ako, inaantok. Kinakabahan. Makalipas ng walong buwan makikita ko narin siya ulit. Makalipas ng dalawang taon, nakabalik na naman ako sa America. Mahaba pa yung buhok niya nung nakita ko siya, nagulat pa nga ako kase ang laki ng tinaba niya. Iba siya sa nakita ko sa internet. Eto na siya, sa harap ko. Isa yun sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Kaya nga nalulungkot ako ngayon e. Kase matatapos na yun.

Sabi niya, dapat maging malakas ako. Dapat hindi ako malungkot. Na saglit lang yung panahon na magkakahiwalay kami. Magiipon lang daw siya pagkatapos nun, kukunin na niya ako ulit, na siguro kapag sinuwerte, mga isang taon lang ang hihintayin namin. Naisip ko, maghiwalay man kami, walang magbabago. Hindi man kami magkasama, alam kong kami parin sa huli. Iisipin ko nalang na magbabakasyon ako tapos babalik din ako dito sa Amerika.

Putangina. Ang hirap. Sobrang hirap.

Thursday, December 29

This is for you.

I wish I could take away his pain. I wish I can make him smile again. But, i'm the reason why he's sad right now. I wanted to tell him how sorry I am. But I don't where to start. PUTANGINA naman kase. I wanted to explain to him why I'm being like this. Pero ako mismo sa sarili ko hindi ko alam kung paano. Mixed emotions.
Namimiss ko siya. Why does he have to live so far away? Pero hindi lang naman ako yung nahihirapan e. Siya din. alam ko yun. Pero yung pakiramdam na andito lang ako sa Pilipinas. naghihintay. minsan nakakasawa na. Parang lahat inaasa ko sa kanya. Ayoko naman ng ganun kase syempre gusto ko din siyang tulungan. Pero eto, wala naman akong magawa. I have to rely on him lang. I feel somehow helpless. I'm tired of being Lois Lane. I wanna be Superman for a change.

Wala namang problema kay Jeff eh. Ako mismo yung problema. I have nothing against him. He's all I ever wanted. He's perfect. Wala akong masasabing masama sa kanya. Lahat gagawin niya para sa'kin. That's why it pains me tuwing masasaktan ko siya.

Ano ba talagang problema? I don't know. That's why humingi ako ng time sa kanya just to think. Ayokong makita niya akong emotionally damaged. Ayokong makita na ganito ako. Minsan pakiramdam ko nagiisa lang ako. kapag hindi ko siya kausap, wala ako. na walang kwenta ang buhay kapag wala si jep. Gusto ko naman na magenjoy ako sa buhay ko kahit magkalayo kami. Dati naman kaya kong gawin yun. Feeling ko masyado kong pinapaikot yung mundo ko sa kanya that's why pakiramdam ko wala ng kwenta ang lahat kapag wala siya. Gusto kong magkaroon ako ng time sa sarili ko. na habang hindi kami magkasama, hinanda ko yung sarili ko. Pero hindi e. nasisiraan ako ng bait kase ang layo layo niya at hindi ko man lang siya mahawakan. Gusto ko pag nagkita kami, okay na ako.. buo na ang loob ko. Na kaya ko na ibigay sa kanya lahat ng hindi nagdadalawang isip.
So ngayon.. magiisip muna ako.