Bukas ang Republic Act 10175 o mas kilala na Cyber Crime Prevention Act of 2012 ay maipapatupad na ng Korte Suprema bukas. Madami sa ating mga kababayan lalo na yung mga Internet literate ang nagsamasama para ipakita ang kanilang pagkadismaya. Maging sa mga social networking sites tulad ng Facebook at Twitter makikita ang mga hindi magagandang reaksyon ng tao. Malinaw na hindi nila tinatanggap ang pagpasa ng batas na ito. Kung iisipin, ano ba itong RA 10175? Sa aking pagkakaintindi, ito ay may kinalaman sa mga krimen na ginagamitan ng internet. duh? pasok yung Cybersex, Identity Theft, Hacking, Illegal Access on Information, Data or System Interference, Forgery, Child Pornography, Libel, Cyber-squatting at marami pang iba. Nakakabahala lang... Kung sasabihin kong ang galing ni Mayor kase wala na siyang ginawa kundi mag-Casino at tumambay sa Derby ng manok, ay pwede na pala akong makasuhan ng Libel at makulong ng 12 na taon at magbayad ng 1,000,000,000 piso? Kung sasabihin kong walang ipinasang magandang batas si Senador X ay ganun din? Aba, hindi naman ata tama yon.
Parang lahat nalang tayo ay naglolokohan nalang dito? Na magpaplastikan tayo at sasabihin natin na ang galing ni Congressman at idol ko siya yun pala madami pala siyang pinagawang tulay sa ibang lugar pero hindi naman siya Congressman doon. Kung maglolokohan nalang pala sa gobyerno, ay aba! Gumawa nalang tayo ng isang malaking teleserye tutal malapit naman ng matapos yung Walang Hanggan. Nakakadismaya, marami namang batas na pwedeng mas bigyan ng pansin... tulad ng RH Bill, yung para sa mga Kasambahay natin na Kasabahay Bill. maraming mga bagay sa bansang ito na nangangailangan ng aksyon. Paano makakatulong ang RA 10175 ay lumalaganap na krimen sa Manila? krimen sa mga eskwelahan? sa Bullying? sa Hazing? Paano makakatulong ang batas sa Baha? sa Jueteng? Sa Drugs? Kakulangan ng Paaralan? ng Guro? sa mga tiwaling pulis? Tatanggalin ng batas na Ito Ang karapatan natin para sabihin ang nasa loob natin. Asan na ang sinasabi nilang Demokrasya at kalayaan? Wala na.
Ang akin lang, sana mas binigyan nila ng pansin yung mga bagay na talagang kailangan ng pansin. Oo binatikos ka ng mga nasa baba, kase nasa itaas ka. at inaasahan naming mga tao na nasa ibaba na gumawa ka ng tama at nakaaayon sa nakararami. Na umaasa kami na magkakaroon pa ng pagasa na bumangon ang bansa natin.
Sa totoo lang, nawawalan na talaga ako ng pagasa sa Pilipinas. Kung pwede na akong umalis ngayon, aalis na talaga ako. Ngayon ko masasabi na talagang nawala na ang kompiyansa ko sa goberyno natin.
Kaya sa darating na eleksyon, malamang mahihirapan akong bumoto. Mangilan ngilan nalang ang nagnanais na maglingkod ng tapat at maayos sa bayan. Ilan nalang ang may sapat na kakayahan. yung mga utak at common sense.
Tama na, baka makulong pa ako dito.