Huling araw ng buwan. Bukasm magbibilang na ako. ilang linggo nalang sasakyan na naman ako sa eroplano. mahabang biyahe pauwi. Dapat noon ko pa ginawa 'to e. yun lang hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kayang magligpit ng mga damit ko. Nung mga panahong nasa Pilipinas pa ako at hindi pa kami magkasama, pinangako ko na yung araw na magkikita kami ulit, yun na yun. wala ng iwanan. Pero eto ako ngayon, sinusubukan kong pigilan ang oras.
Hindi ko mapigilan. kapag tinitignan ko siya, nasasaktan ako. Sa mga oras na ito, hindi ko din mapigilan mga luha ko. para akong tanga. Kung iisipin ko, ilang gabi nalang ba yung natitira bago ako umalis? Babalik na naman ako sa kwarto ko ng mag-isa, sa iPad ko na naman siya makikita. Hindi ko na naman siya mahahawakan, maamoy, kailangan ko pang maghintay ng ilang oras bago siya makita dahil sa magkaibang oras na naman kami. Magkalayo na naman. Nasasaktan ako sa tuwing titignan ko siya, Kumikirot yung puso sa tuwing naiisip ko yung araw na yun. Ang buong akala ko kase eto na e. Na hindi na kami magkakahiwalay, na wala ng iiyak, wala ng masasaktan, wala ng magpapaalam.
Sino ba ako para pigilan ang oras? kung pwede ko lang ibalik lahat sa gabing dumating ako dito. Malamig nung gabing yun. pagod na ako, inaantok. Kinakabahan. Makalipas ng walong buwan makikita ko narin siya ulit. Makalipas ng dalawang taon, nakabalik na naman ako sa America. Mahaba pa yung buhok niya nung nakita ko siya, nagulat pa nga ako kase ang laki ng tinaba niya. Iba siya sa nakita ko sa internet. Eto na siya, sa harap ko. Isa yun sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Kaya nga nalulungkot ako ngayon e. Kase matatapos na yun.
Sabi niya, dapat maging malakas ako. Dapat hindi ako malungkot. Na saglit lang yung panahon na magkakahiwalay kami. Magiipon lang daw siya pagkatapos nun, kukunin na niya ako ulit, na siguro kapag sinuwerte, mga isang taon lang ang hihintayin namin. Naisip ko, maghiwalay man kami, walang magbabago. Hindi man kami magkasama, alam kong kami parin sa huli. Iisipin ko nalang na magbabakasyon ako tapos babalik din ako dito sa Amerika.
Putangina. Ang hirap. Sobrang hirap.
No comments:
Post a Comment