Thursday, December 15

Driving 101.

Wish ko lang sana lahat ng kalsada sa Metro Manila
ay kasing luwag ng SLEX tuwing 3 AM. 
Hindi naman talaga ako dapat nagmamaneho. Lapitin ako sa disgrasya, kakasero at higit sa lahat, tamad. Ayokong magdala ng sasakyan sa trabaho, mahal ang parking at mahal ang gas. Pero isang beses, na-snatch yung ipod na dala ko. Nasama narin pati yung name badge ko sa airport. Isinumpa ko yung kumuha nun. Wala na sana siyang bayag ngayon. Simula nung nangyari yun, hindi na ulit ako sumasakay sa pampublikong sasakyan (maliban nalang kung wala talaga akong choice.) Magulang ko parin ang nagbabayad ng pang-gas ko. medyo nakakahiya na nga e. kung iisipin, kapag ako ang nagbayad ng gas ko, wala ng matitira sa pangkain ko araw araw. Gasolina palang, ubos na. :(

Marami narin akong natutunan sa pagmamaneho. Na-master ko na ang magpark ng patalikod, parallel parking, makipag sabayan sa mga 10-wheeler na truck sa EDSA, mandarag ng mga tangang mamamayan na hindi alam kung saan ang tamang pedestrian lane. Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, malamang marami na akong nasagasaan. Nakatulong pa ako sa over-population ng bansa natin.

Isa-isahin nalang natin yung natutunan ko.


  • Huwag mag-drive ng inaantok/lasing/kinakabag/dina-diarrhea. 
  • Iwasang makipag-unahan sa jeep. Makabangga ka man o mabangga ng jeep, ikaw parin ang talo. Wala kase silang pambayad sa fender mo. :( 
  • Iwasang mag-yosi sa sasakyan/magdrive na bukas ang bintana. Mamaya wala na yung relos o singsing na suot mo. much worse, wala ka na palang kamay. 
  • Makukulit yung mga Badjao na nanlilimos sa Sucat. (minsan para tumigil sila, nakikipagtitigan nalang ako. iniisip siguro nila mukha akong tanga.)
  • Mas maigi nalang mag-Skyway kapag may bagyo. 
  • Walang lugar sa Metro Manila ang hindi trapik. 
  • Don't text and drive. Mahirap kaya yon! baka mawrong send ka pa. 
  • Matutong gumamit ng busina. Karamihan sa mga Pilipino tanga. ginagamitan mo na nga ng yield/bliker (basta yung ilaw.) ayaw parin paawat. 
  • Wag makisabay sa mga kaskaserong driver. Wala ka lang mapapala. Masasayang lang ang gas mo. 
  • Kapag babae na nagmamaneho, dinadarag nila. Sorry... lalaki ako magdrive. 
At ang pinaka importante, Habaan ang pasensya sa daan. Madaming hayop sa kalsada, intindihin mo nalang. 


Safe Driving!



No comments:

Post a Comment